dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos sa lahat ng gov’t agencies ang pag-suporta sa “whole-of-government” approach laban sa kriminalidad

Nilagdaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang memorandum circular na nag-uutos sa lahat ng national at local gov’t agencies na suportahan ang “whole-of-government” approach laban sa kriminalidad.

Sa Memorandum Circular no. 19, inatasan ang gov’t agencies na i-adopt ang 2023 National Crime Prevention Program (NCPP) sa pagtugon sa mga krimen at pagtitiyak sa kapayapaan at seguridad sa bansa.

Pangungunahan ito ng National Police Commission, para sa pagsasakatuparan ng mga istratehiya sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Ang 2023 NCPP ay binuo ng NAPOLCOM sa pamamagitan ng kanilang technical committee on crime prevention and criminal justice, o ang inter-disciplinary body na binubuo ng mga eksperto mula sa gov’t at non-gov’t organizations na bahagi ng criminal justice system.

Mababatid na ilan sa mga krimeng nananatiling talamak sa panahon ng Administrasyong Marcos ay ang kalakalan ng iligal na droga, mga patayan, kidnapping, at iba pa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author