Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng mas mataas na Service Recognition Incentive para sa public school teachers.
Inatasan ng Pangulo ang Dep’t of Budget and Management at Dep’t of Education na sikaping maitaas sa ₱20,000 mula sa kasalukuyang ₱18,000 ang SRI para sa mahigit isang milyong DepEd personnel.
Ang SRI ang taunang financial incentive sa mga kawani ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang commitment at dedikasyon sa serbisyo-publiko.
Tinawag naman ito ni DepEd Sec. Sonny Angara bilang morale booster sa mga guro, sa harap ng napakahalaga nilang papel sa paghuhulma sa kinabukasan ng mga mag-aaral.
Sa ngayon ay isinasapinal pa ng DBM at DepEd ang mekanismo at timeline ng implementasyon para sa itataas na SRI. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News