dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos ang pagpapaliban sa taas-pasahe sa LRT 1, LRT 2

Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagpapaliban ng taas-pasahe sa LRT 1 at LRT 2.

Ayon kay Transportation sec. Jaime Bautista, ito ay habang hindi pa natatapos ang masusing pag-aaral sa magiging epekto sa ekonomiya ng dagdag-pasahe.

Tiniyak ni Bautista na susunod sila sa utos ng Pangulo at pag-aaralan nilang mabuti ang magiging epekto nito sa mga pasahero.

Matatandaang inaprubahan ng DOTr ang ₱2.29 na dagdag sa boarding fare sa LRT 1 at LRT 2 at ₱0.21 sa kada madaragdag na kilometro.

Sinabi naman ng DOTr na ang taas-pasahe ay gagamitin sana para sa pagpapaganda ng serbisyo, facilities, at technical capabilities ng dalawang railway lines. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author