dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos ang pagbuo ng 125th Independence Day Inter-Agency Committee

Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbuo ng Inter-Agency Committee para sa komemorasyon ng ika-125 Independence Day ng Pilipinas.

Nilagdaan ng Pangulo ang Administrative Order no. 8 na nag-aatas sa komite na mag-plano at magpatupad ng mga programa para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo a-12

Ang inter-agency body ay pamumunuan ng National Historical Commission of the Philippines, habang magsisilbing vice-chair ang Dep’t of the Interior and Local Gov’t.

Magiging Committee Members naman ang Dep’t of Tourism, Dep’t of Education, Dep’t of National Defense, Dep’t of Information and Communications Technology, Dep’t of Trade and Industry, Dep’t of Budget and Management, Dep’t of Labor and Employment, Dep’t of Transportation, at Metropolitan Manila Development Authority.

Mababatid na sa ilalim ng Republic Act no. 10086 o “Strengthening Peoples’ Nationalism through Philippine History Act”, inoobliga ang pamahalaan na ipabatid sa mga Pilipino ang kahalagahan ng kasaysayan upang mangibabaw sa kanila ang pagiging makabayan, pagmamahal sa bansa, at paggalang sa mga bayani. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author