dzme1530.ph

PBBM, iniutos sa AFP na baguhin ang diskarte sa pagtugon sa WPS dispute, rebelyon, at iba pang banta

Inutusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines na baguhin ang diskarte sa pagtugon sa West Philippine Sea dispute, rebelyon, mga sakuna, at iba pang banta.

Ito ay sa AFP Command Conference na pinangunahan ng Pangulo sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay AFP Chief Romeo Brawner Jr., sinabi ng Pangulo na kailangang i-reconfigure ng militar ang paraan ng pagtugon sa communist terrorist groups, local terrorist groups, mga banta sa WPS, at gayundin ang natural disasters.

Tiniyak naman ni Brawner ang pagsunod sa utos ng Commander in Chief, at ili-linya umano sa kanya ang lahat ng kanilang mga plano at programa.

Ang Command Conference ay dinaluhan din nina Defense Sec. Gibo Teodoro, Executive Sec. Lucas Bersamin, at Commanders ng iba’t ibang AFP units. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author