Inimbitahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si United Arab Emirates President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan na bumisita sa Pilipinas.
Ito ay matapos bigyan ng pardon ng UAE ang tatlong convicted na Pinoy kabilang ang dalawang nasa death row.
Ayon sa Pangulo, welcome ang UAE leader sa bansa anumang oras.
Samantala, inulit ng UAE President ang imbitasyon kay Marcos sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre.
Pinuri rin nito ang kontribusyon ng nasa 600,000 Pilipinong nagta-trabaho sa UAE.
Bukod naman sa pardon ay nagpasalamat din ang Pangulo sa ibinigay na 50 tons ng food supplies at gamot ng UAE para sa mga lumikas dahil sa pag-aalboroto ng bulkang Mayon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News