dzme1530.ph

PBBM, inimbitahan para sa state visit sa Laos

Inimbitahan ni Lao Prime Minister Sonexay Siphadone si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-state visit sa kanilang bansa.

Sa bilateral meeting ng dalawang lider sa sidelines ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia, ipinagmalaki ng pangulo ang mahaba at makabuluhang relasyon ng Pilipinas at Lao People’s Democratic Republic.

Kaugnay dito, inimbitahan din ni Marcos ang Lao Prime Minister at Lao President na bumisita sa bansa.

Samantala, sa nasabing meeting ay nagkasundo ang dalawang bansa na palakasin ang kooperasyon sa kalusugan, edukasyon, kalakalan, at people-to-people exchanges

Pinuri rin ni Marcos ang ambag lalo na sa sektor ng edukasyon ng nasa 2,000 Pinoy na nagta-trabaho sa Laos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author