Inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatatag ng single operating system para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.
Ito ay bahagi pa rin ng pagtataguyod ng Ease of Doing Business.
Sa sectoral meeting sa Malacañang kaugnay ng pagpapabuti ng bureaucratic efficiency, inihayag ng Pangulo na dapat ikonsidera ng iba’t ibang ahensya ang pagkakaiba ng national bureaucracy at mga lokal na pamahalaan.
Kaugnay dito, pinag-aaralan na ng Dep’t of Information and Communications Technology at Anti-Red Tape Authority ang mga proseso ng iba’t ibang ahensya upang mapagbuklod ito sa iisang sistema.
Sinabi pa ng mga ito na maging ang mga ay saklaw ng Ease of Doing Business Law, partikular sa Section 11 na nag-oobliga sa kanila na magset-up ng electronic business One-Stop-Shop.
Inatasan din ang DICT at ARTa na alalayan ang mga LGU sa pag-adopt sa Business Permits at Licensing Systems (BPLS). —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News