Inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang National Tourism Development Plan (NTDP) ng Dep’t of Tourism.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Palace Press Briefer Daphne Oseña-Paez na tinalakay ang NTDP sa sectoral meeting sa palasyo kaninang umaga.
Layunin nitong itaguyod ang kultura, heritage, at identity ng turismo ng bansa tungo sa mithiing gawin ang Pilipinas bilang isang tourism powerhouse.
Sinani naman ni Tourism sec. Christina Frasco na ang NTDP ay may pitong adhikain kabilang ang pagtatayo at pagsasaayos ng tourism infrastructure at accessibility, digitalization at connectivity, pagpapaganda ng tourist experience, pantay-pantay na tourism product development at promotion, pagpapalawak ng tourism portfolio, pagpapalakas ng domestic at international tourism, at pakikipagtulungan sa national at local stakeholders sa tourism governance.
Sa aspeto ng digitalization, isusulong ang paglalagay ng internet connection sa tourist destinations. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News