dzme1530.ph

PBBM, inanyayahan ang publiko ang makiisa sa ‘Bagong Pilipinas’ kick-off rally sa Quirino Grandstand sa linggo

Inanyayahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na makiisa sa Bagong Pilipinas kick-off rally.

Ayon sa Pangulo, idaraos ang kick-off rally sa Quirino Grandstand sa Maynila sa araw ng linggo, Jan. 28.

Hinikayat ni Marcos ang publiko na maging parte ng pagbabago para sa sarili, komunidad, at sa bayan.

Samantala, sabay-sabay na ring nagpalit ng cover photos sa kanilang Official Facebook pages ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasabay ng pag-anyaya sa mga Pilipino na dumalo sa kick-off rally.

Matatandaang inilunsad ni Marcos ang Bagong Pilipinas Campaign bilang brand o tema ng kanyang administrasyon, tungo sa pagbabago at pagsulong ng lahat ng sektor ng lipunan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author