dzme1530.ph

PBBM, humiling ng mabilis na paggaling sa cancer ni King Charles III

Humiling si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa paggaling ni King Charles III ng United Kingdom.

Ito ay matapos ma-diagnose ng Cancer ang 75-anyos na British Monarch.

Sa post sa kanyang X Account, nagpaabot ng best wishes ang Pangulo para kay King Charles at ganoon na rin kay Queen Camilla.

Kasabay nito’y sinabi ng Pangulo na ang Pilipinas ay kaisa ng UK sa pagdarasal para sa mabilis at full recovery ng British King. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author