dzme1530.ph

PBBM, humiling kay Indonesian Pres. Joko Widodo na muling pag-aralan ang kaso ni Mary Jane Veloso

Humiling si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Indonesian President Joko Widodo na muling pag-aralan ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang pinay na sinintensyahan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa drug smuggling.

Ibinahagi ng Pangulo na pinag-usapan nila ni Widodo ang kaso ni Veloso habang sila ay naglalakad sa isa sa mga event ng 42nd ASEAN Summit na ginanap sa Indonesia.

Sinabi umano ni Marcos na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat para sa Pinay, ngunit iginagalang pa rin nila ang batas ng Indonesia lalo’t may kaugnayan ang kaso sa iligal na droga.

Matatandaang una nang tiniyak ng pangulo na hindi sila tumitigil sa paghiling sa Indonesia na mabigyan si Veloso ng pardon, clemency, o commutation o pagpapagaan ng sintensya.

Si Veloso na convicted ng drug trafficking matapos mahulihan ng 2.6 kilos ng heroin sa Indonesia noong 2010, ay ibibitay na dapat noong 2015 ngunit ipinagpaliban ito matapos sumuko ang kanyang recruiter. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author