dzme1530.ph

PBBM, humarap sa mahigit 200 Alkalde sa kauna-unahang Philippine Mayors Forum!

Humarap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mahigit 200 alkalde mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ay sa ginanap na kauna-unahang Philippine Mayors Forum na pinangasiwaan ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t at United Nations Development Programme.

Sa pagtitipon sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Center Quezon City, kinilala ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagkakamit ng mga mithiin ng UN.

Sa kanya namang talumpati ay isinulong ni Marcos ang pagpapalakas sa awtonomiya ng mga LGU na silang nagsisilbing tagapaghatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa pinaka-mababang lebel ng lipunan.

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa seremonya sina DILG Sec. Benhur Abalos, UN Resident Coordinator Gustavo Gonzales, at UN Governance and Public Administration Expert Ana Thorlund.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author