Hinikayat ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na maging instrumento ng liwanag at pag-asa ngayong pasko.
Sa kanyang Christmas message, ipina-alala ng Pangulo na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang paggamit sa oportunidad na tulungan ang mga nagdaraan sa matinding kalungkutan, karamdaman, at kahirapan.
Kaugnay dito, hinimok ni Marcos ang publiko na punuin ang kanilang mga puso ng kabutihan at pagmamalasakit, tungo sa pananaig ng kapayapaan, pagmamahalan, at pagkakaisa.
Sinabi ng chief executive na wala nang mas hihigit pa sa pagpapalaganap ng pag-asa sa mga lubos na nangangailangan ngayong Pasko. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News