Hinimok ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na atasan si House Speaker Martin Romualdez na ipatigil na ang isinusulong na People’s Initiative ng mga kongresista.
Ipinaalala ni Pimentel na may halos 5-taon pa ang Pangulo sa pwesto at kung nais niyang magtagumpay ang kanyang administrasyon kailangan maging maayos ang relasyon ng dalawang kapulungan.
Sa ngayon anya ay naiipit ang mahahalagang panukala dahil sa nagaganap na bangayan bunsod ng PI para sa charter change.
Binigyang-diin ng senate minority leader na mahalaga ang mga babalangkasing batas ng Kongreso para sa pagsusulong ng mga programa ng administrasyon.
Kaya sa ngayon ang mabuting gawin anya ng Pangulo na mamagitan na siya at hikayatin ang kanyang pinsan at kaalyado sa pulitika upang pigilan ang mga hakbanging nagdudulot na ng political at constitutional crisis. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News