dzme1530.ph

PBBM hinikayat ang militar na maging “peacemakers” para sa mga komunista, teroristang grupo

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang militar na maging “peacemakers” para sa mga komunista at teroristang grupo.

Sa Talk to the Troops sa 9th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Elias Angeles sa Pili Camarines Sur, inihayag ng Pangulo na bukod sa paggamit ng pwersa-militar, nagbibigay na rin ang gobyerno ng ibang option sa kanila tulad ng pagpapakita ng magiging buhay pagkatapos ng pagiging rebelled.

Ito umano ang dahilan kaya’t unti-unti ay naging matagumpay ang pamahalaan sa whole-of-society at whole-of-nation approach sa pakikipag-usap sa mga grupong nais pabagsakin ang estado.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na hindi pa rin isinasantabi ng mga rebelde ang armadong pakikibaka kaya’t dapat pa ring magpatuloy ang tungkulin ng mga sundalo bilang “warfighters”.

Matatandaang winakasan ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga komunistang grupo noong panahon ng predecessor ni Marcos na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

About The Author