dzme1530.ph

PBBM, hinikayat ang mga Pilipino na gamitin ang sariling kakayanan upang maging bayani ng kanilang pamilya at komunidad!

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na gamitin ang sariling kakayanan upang maging bayani para sa kanilang pamilya at komunidad.

Ito ay kasabay ng Pagbati ng Pangulo para sa Araw ng mga Bayani ngayong Aug. 28

Sa kanyang mensahe, ipina-alala ng Pangulo na lahat tayo ay may kakayanang maging bayanin ng bansa.

Umaasa ang chief executive na ito ang magsisilbing daan para magkaroon ng dedikasyon ang lahat sa paglikha ng Bagong Pilipinas na matatag at masagana, para sa henerasyong pangkasalukuyan at hinaharap.

Samantala, hinimok din ni Marcos ang publiko na alalahanin din ang mga hindi tanyag na Pilipino na nagkaroon ng malaking papel sa paghuhulma ng bansa.

Pinangunahan ng Pangulo ang seremonya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City para sa komemorasyon ng National Heroes Day. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author