dzme1530.ph

PBBM, handang makipag-usap kay dating Pangulong Duterte kaugnay ng isyu sa SMNI

Handang makipag-usap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng isyu sa SMNI.

Ito ay matapos sabihin ni Duterte na nais niyang makausap si Marcos hinggil sa gumugulong na imbestigasyon sa SMNI.

Ayon sa Malacañang, tatawagan ng Pangulo si Duterte upang tanungin ito kung nais niyang magkaroon ng meeting.

Kasabay nito’y sinabi ng Palasyo na palaging available si Marcos para sa dating pangulo.

Matatandaang sinuspinde ng 30-araw ang operasyon ng SMNI sa harap ng imbestigasyon ng Kamara sa umanoy paglabag sa mga kondisyon ng kanilang prangkisa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author