Dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kasal ni Prince Abdul Mateen ng Brunei.
Sa mga litratong ibinahagi ni First Lady Liza Araneta Marcos sa social media, makikita sila ng Pangulo habang nasa wedding ceremony sa Istana Nurul Iman Royal Palace sa Bandar Seri Begawan, Brunei.
Dumalo rin sa seremonya ang iba pang State leaders tulad nina Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo, at King Jigme at Queen Jetsun Pema ng Bhutan.
Si Prince Mateen ay anak ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, at pinakasalan niya ang Commoner Fiance na si Yang Mulia Anisha Rosnah.
Ang Pangulo at ang unang Ginang ay bumiyahe patungong Brunei noong Sabado upang paunlakan ang imbitasyon ng Brunei Sultan sa nasabing Royal Wedding. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News