dzme1530.ph

PBBM bumuo ng Caretaker Committee; VP Duterte, ES Bersamin, DENR sec Yulo-Loyzaga, magsisilbing tagapangalaga ng bansa habang wala ang pangulo

Habang nasa Indonesia para dumalo sa 42nd ASEAN Summit at BIMP-EAGA, bumuo ang Pang. Ferdinand Marcos, Jr. ng Caretaker Committee na magsisilbing tagapangalaga ng tinawag niyang fortress o tanggulan.

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, si Vice President Sara Duterte ang siyang Chairman ng komite at miyembro naman sina Bersamin at DENR Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

Sabi ni Sec. Bersamin, ito ang unang pagkakataon na bumuo ng komite ang Chief Executive sa paglabas ng bansa na ang ibig sabihin ay tatlong opisyal ang magsisilbing bantay ng pamahalaan dahil karaniwang itinatalaga lamang ng Pangulo si Duterte bilang caretaker ng Pilipinas kapag may biyahe siya sa ibang bansa. —sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author