dzme1530.ph

PBBM, biyaheng Vietnam sa susunod na linggo para lumagda sa ilang kasunduan

Biyaheng Vietnam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na linggo para sa dalawang araw na state visit.

Sa press briefing sa Malacañang, inanunsyo ng Dep’t of Foreign Affairs na bibisita si Marcos sa Vietnam simula sa Jan 29 hanggang 30.

Makakasama ng pangulo sina First Lady Liza Araneta-Marcos, at mga miyembro ng gabinete partikular ang economic team.

Ang pag-bisita ay pagpapaunlak sa imbitasyon ni Vietnamese President Vo Van Thuong.

Bukod sa mga lalagdaang kasunduan, makikipagkita rin si Marcos sa Filipino-community sa Vietnam. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author