Binigyan ng honorary reception ng Asian Development Bank si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes.
Sinalubong ni ADB president Masatsugu Asakawa ang Pangulo sa pagdating nito sa ADB Headquarters sa ADB Avenue, Ortigas Center Mandaluyong City.
Bukod kay Marcos, present din sa event sina Finance sec. Benjamin Diokno, NEDA sec. Arsenio Balisacan, DBM sec. Amenah Pangandaman, BSP gov. Felipe Medalla, DPWH sec. Manny Bonoan, DOTr sec. Jaime Bautista, DSWD sec. Rex Gatchalian, at Defense OIC Senior Usec. Carlito Galvez Jr..
Bago ang reception, nakipagpulong muna ang Pangulo sa ADB president at Senior officials.
Mababatid na ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing recipient ng multi-billion dollar assistance loans mula sa ADB. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News