Bibisita sa Germany sa Marso si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Sa Courtesy Visit sa Malakanyang ni German Federal Minister for Foreign Affairs Annalena Baerbock, ibinahagi ni Marcos ang planong pag-biyahe sa Alemanya sa March 12.
Sinabi ng Pangulo na ilang buwan na siyang nakikipag-ugnayan sa nasabing European Country para ayusin ang foreign visit.
Samantala, nagpasalamat din si Marcos sa Germany para sa pag-suporta sa development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at sa pagtugon sa Climate Change.
Kinilala rin nito ang tulong na ibinigay ng Germany para sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagsasaayos sa Marawi City. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News