dzme1530.ph

PBBM, balik-Pinas na matapos ang 4-day trip sa Japan

Balik-bansa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang apat na araw na official working visit sa Japan.

10:37 kagabi nang lumapag sa Villamor Airbase sa Pasay City ang flight PR001 sakay ang Pangulo at ang Philippine delegation.

Sa kanyang arrival statement, ibinida ni Marcos ang ginawang paghikayat sa ASEAN at Japan na panatilihin ang seguridad, kaayusan, at kapayapaan sa rehiyon, gayundin ang paggalang sa soberanya at territorial integrity.

Ipinagmalaki rin ang bilyun-bilyong pisong investment pledges na nalikom mula sa Japan, na nakalikha na ng mahigit 9,700 na trabaho.

Tiniyak din ang patuloy na pagtutulungan ng ASEAN at Japan sa pagpapasigla ng ekonomiya at pagsusulong ng inklusibong lipunan.

Ibinida rin ng Pangulo ang mga nabuong kasunduan sa pagpapalakas ng coast guard ng Pilipinas at Japan, at sa pangangalaga ng kapaligiran kaakibat ng transition sa clean energy at zero-emission. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author