dzme1530.ph

PBBM, balik-bansa na matapos ang working visit sa America

Balik-bansa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang halos isang linggong working visit sa America, kabilang ang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit.

Alas 9:44 kagabi nang lumapag ang Philippine Airlines flight PR-0-0-1 sa Villamor Air Base sa Pasay City, mula sa Hickam Air Force Base sa Hawaii USA.

Sumalubong sa Pangulo sina Vice President Sara Duterte, Executive Sec. Lucas Bersamin, at iba pang opisyal.

Sa kanyang Arrival Speech, ipinagmalaki ni Marcos ang mga ibinunga ng kanyang American trip, kabilang ang nalikom na $672 million investment pledges.

Ibinida rin nito ang makasaysayang “123 Nuclear Agreement”, IPEF Supply Chain Agreement, at mga kasunduan sa Telecommunications, AI Weather Forecasting System, Renewable Energy, at Pharmaceutical and Healthcare Sector. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author