Kapwa nagpabatid ng pagkabahala sina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Australian Minister for Foreign Affairs at Sen. Penny Wong kaugnay ng umiinit na tensyon sa South China Sea.
Sa Courtesy Call ni Wong sa Malacañang, kapwa sumang-ayon ang dalawa sa rule-based approach sa pag-resolba sa territorial disputes, tulad ng pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Pabor din sina Marcos at Wong sa pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon, lalo’t ang South China Sea umano ay nasa gitna ng Indo-Pacific Region.
Samantala, interesado rin ang dalawa sa pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at Australia sa defense cooperation, at trade and investments kabilang ang exploration ng mga mineral na magagamit sa produksyon ng clean energy.
Iginiit din ni Marcos na ang Australia ay isang mahalagang partner sa harap ng nagpapatuloy na economic transformation ng Pilipinas.