Sumabak na sa bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Indonesian President Joko Widodo.
Bago mag-alas 10 ng umaga kanina nang dumating si Widodo sa Malacañang, at sinalubong ito mismo ni Marcos at ng mga opisyal ng Pilipinas.
Matapos ang arrival honors ay pumirma si Widodo sa official guestbook ng Palasyo.
Kasunod nito ay sumalang na ang dalawang lider sa bilateral meeting sa state dining room.
Bukod kay Marcos at Widodo, present din sa meeting sina Executive sec. Lucas Bersamin, Foreign Affairs sec. Enrique Manalo, Trade sec. Alfredo Pascual, Defense sec. Gibo Teodoro, Transportation sec. Jaime Bautista, Energy sec. Raphael Lotilla, OPAPRU Chief Carlito Galvez Jr., PCO sec. Cheloy Garafil, at kanilang Indonesian counterparts. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News