Opisyal nang nagbukas ang 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia, na dinaluhan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Pinangunahan ni ASEAN Summit 2023 Chairman at Indonesian President Joko Widodo ang pagbubukas ng plenary session sa Meruorah Komodo Convention Center sa Labuan Bajo.
Bukod kay Widodo at Pangulong Marcos, present din ang mga lider mula sa iba pang ASEAN countries tulad ng Brunei, Cambodia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Dumalo rin sa ASEAN summit sa kauna-unahang pagkakataon ang leader ng Timor-Leste bilang observer.
Ang 42nd Asean Summit ay may temang “ASEAN Matters: Epicentrum of Growth”, kung saan isusulong ng ASEAN leaders ang pagbangon at paglago ng ekonomiya sa rehiyon at sa buong mundo.