dzme1530.ph

PBBM at FL Liza Marcos, nagpaabot ng pagbati para sa ika-95 kaarawan ni former First Lady Imelda Marcos

Nagpaabot ng pagbati si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa ika-95 kaarawan ng kanyang inang si former First Lady Imelda Marcos.

Sa social media post, nagpasalamat ang Pangulo sa kanyang ina para sa pagtuturo sa kanya at sa kanyang mga apo na maging magiliw, mabait, at mapagmalasakit.

Nagbahagi rin si Marcos ng collage ng ilang mga lumang litrato nila ng dating Unang Ginang.

Samantala, bumati rin si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Nagpasalamat si Ginang Marcos para sa pagiging pangalawang ina sa kanya ng kanyang biyenan, at ito umano ang mananatiling First Lady para sa kanya.

About The Author