dzme1530.ph

PBBM, aprubado na ang ₱6.793 trilyong proposed national budget para sa 2026

Loading

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ₱6.793-T proposed national budget para sa taong 2026.

Kinumpirma ito ni Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro sa isinagawang press briefing ngayong araw sa Malacañang.

Ayon sa Pangulo, sisiguraduhin ng kanyang administrasyon na ang 2026 national budget ay hindi lamang tututok sa economic growth ng bansa, kundi magsisilbi ring instrumento upang maiangat ang buhay ng mga Pilipino at ng susunod na henerasyon.

Mas mataas ang naturang panukalang pondo kumpara sa ₱6.352-T National Expenditure Program para sa kasalukuyang taon.

About The Author