dzme1530.ph

Paulit-ulit na transport strike, patunay ng kabiguang maresolba ang mga problema sa transportasyon

Patunay ng patuloy na problema sa sektor ng transportasyon ang paulit-ulit na jeepney strikes ng mga tsuper at operator.

Ito ang pahayag ni Senate Committee on Public Services chairperson Grace Poe kasabay ng pagsasabing may mga valid na tanong ang mga tsuper kaugnay sa jeepney modernization program na kailangang resolbahin.

Kabilang dito ang presyo ng modernong sasakyan, ang source ng funding at mga ruta.

Wala namang aniyang tsuper ang ayaw magkaroon ng bagong jeepney na aircon, mas bago at environment-friendly subalit ang tanong aniya ay kakayanin bang bayaran ang jeepney na higit isang milyon ang halaga.

Babala pa ng senador na maaaring magkaroon ng kakulangan sa masasakyang jeepney ang ating mga kababayan kung hindi makakabili ng sapat na units ang kooperatiba o korporasyon na mamamahala rito.

Ipinaalala din ng mambabatas na hindi madaling mag-strike dahil may pangambang kasuhan, walang kitang iuuwi sa pamilya at makakaabala sa ating mga pasahero.

Kaugnay nito, iginiit ni Poe sa mga opisyal ng transportasyon na hindi pa huli ang lahat upang makinig sa hinaing ng mga driver at operator.

About The Author