dzme1530.ph

Patuloy na power outages sa Davao del Norte, ikinadismaya ng senador

Dismayado si Sen. Christopher Bong Go sa hindi pa rin nasosolusyunan na power outages sa Davao del Norte na nagresulta na sa pagkasira ng ilang medical equipment sa kanilang health facilities.

Dahil sa kabiguan ng Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) na solusyunan ang brownouts, nasira na ang dalawang magnetic resonance imaging machines, apat na computerized tomography scans, at isang medical linear accelerator machine ng Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City.

Inilarawan ni Go ang sitwasyon na hindi katanggap-tanggap lalo pa’t may pasyenteng hindi nakagamit ng kinakailangang medical equipment.

Una nang nangako ang NORDECO na reresolbahin ang problema sa power supply hanggang noong June 30.

Samantala, ipinaalala ni Go na may awtoridad ang Energy Regulatory Commission na magpataw ng multa mula P50,000 hanggang P50-M sa mga electric cooperatives na hindi tumutugon sa pangangailangan ng taumbayan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author