dzme1530.ph

Patuloy na pag-kolekta ng investments, tiniyak ng DTI

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na patuloy itong lilikom ng investments at maglalabas ng dekalidad at high-paying jobs.

Ayon kay DTI Usec. Kim Bernardo-Lokin, pinalalakas ng mga Investment Promotion Agencies (IPA), ang kanilang diskarte habang pinabubuti ang Ease of doing business sa bansa upang maka-attract ng mas maraming foreign investors na magtatayo ng negosyo sa Pilipinas.

Ayon pa kay Lokin, ang mahigit P44-T-foreign investments na nalikom ng bansa noong 2023 ay makakagawa ng 224,000 na bagong trabaho ngayong taon.

Nakikitang makatutulong ito na mapanatili ang mababang unemployment rate ng bansa na naitala ng Philippine Statistics Authority sa 3.6% noong November 2023.

About The Author