dzme1530.ph

Patay sa lindol sa Morocco umakyat na sa 2,497 —DFA

Inihayag ng Moroccan Interior Ministry na umabot na sa 2,497 katao ang namatay at 2,476 naman ang nasugatan matapos ang magnitude 6.8 na lindol nitong Biyernes.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang sa ngayon, wala pang natatanggap na ulat ang embahada ng sinumang Pilipinong naapektuhan ng lindol.

Nakikipag-ugnayan narin ang embahada sa mga community leaders sa iba’t ibang lugar ng Morocco.

Para sa anumang emergency o katanungan, makipag-ugnayan lamang sa embahada sa pamamagitan ng kanilang numerong +212694202178 o FB Philippine Embassy sa Morocco. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author