dzme1530.ph

Pasok sa trabaho, klase sa ilang lugar sa bansa, suspendido pa rin ngayong araw dahil sa bagyong #EgayPH

Kanselado pa rin ang klase at wala pa ring pasok sa trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ilang lugar sa bansa ngayong araw ng Huwebes, July 27, dahil sa bagyong Egay.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng kanselasyon ng pasok ang mga sumusunod: lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Cagayan; Angeles City, Pampanga; Calasiao, Pangasinan; at Dagupan City.

Wala ring pasok sa lahat ng antas sa paaralan at lahat ng sangay ng gobyerno sa; Ilocos Sur; La Union; Calanasan, Apayao; La Trinidad, Benguet; at Baguio City.

Suspendido din ang klase sa pampubliko at pribadong paaralan, mula pre-school hanggang Senior High School sa Montalban, Rizal dahil pa rin sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyo.

About The Author