dzme1530.ph

Pasok sa mga paaralan sa Marikina, suspendido bunsod ng Palarong Pambansa

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Marikina City, ngayong Lunes para bigyan daan naman ang pagbubukas ng Palarong Pambansa ngayong taon.

Inanunsyo ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na maging ang pasok sa lokal na pamahalaan ay suspendido rin dahil ang lungsod ang host ng PALARO 2023.

Sa gitna ng umiiral na School Break, ay mayroong isinasagawang voluntary Three-to-Five Week na National Learning Camp ang Department of Education sa mga paaralan upang mapagbuti ang learner performance at teaching capacity.

Ang Opening Program ng Palarong Pambansa ay ngayong Lunes habang ang Competition proper ay magsisimula bukas, Aug.1 at magtatapos sa Aug.5. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author