dzme1530.ph

Pasaherong may dalang baril patungong Davao inaresto ng PNP AvSeGroup sa NAIA terminal 4

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group ang isang pasahero matapos makuhanan ng baril sa kanyang bagahe sa NAIA Terminal 4.

Sa report ng OTS ang nasabing bagahe na naglalaman ng baril ay nasa possession ng isang Mamayla Tatang, isang pasahero ng Air Asia Flight Z2 611 patungong Davao.

Nabatid na nakita ang imahe ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril sa bagahe ni Tatang nang dumaan ito sa final checkpoint sa X-Ray machine.

Agad na tinawagan ng OTS personnel ang baggage inspector SSO gayundin ang kinatawan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) upang saksihan ang inspeksyon ng bagahe.

Nang mabigo si Tatang na magpakita ng kaukulang lisensya at permit ng baril, siya ay inaresto ng PNP Aviation Security Group at dinala sa kanilang kustodiya para sa karagdagang imbestigasyon.

Pinuri ni OTS Administrator Undersecretary Mao Aplasca ang mga screeners sa kanilang pagiging alerto at kahandaan sa pagbabantay para matiyak ang siguridad ng mga pasahero sa kanilang nasasakupan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author