dzme1530.ph

Partnership ng Pilipinas at Australia, mas pinagtibay pa

Mas pinagtibay ng Pilipinas at Australia ang kanilang partnership ngayong 2023 hanggang sa susunod na taon.

Tila nag-upgrade ang dalawang bansa ang kanilang pagsasanib-pwersa mula sa komprehensibo hanggang sa strategic na pagtutulungan patungo sa mabilis na pagbabago sa security environment.

Ayon kay Australian Ambassador Hk Yu Psm, inaasahan sa partnership na ito ang mas malalim na pagkilala at pagtutulungan ng Pilipinas at Australia.

Dagdag pa ng Australian ambassador na kailangan talagang tingnan at pagbasehan ang kakila-kilabot, imoral at iligal na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

Kung kaya’t importante aniya na malaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na kaibigan at madiskarteng kasosyo lalo na sa ikauunlad ng ekonomiya ng parehong bansa.

Gayunmnan, nangako ang Australia ba handa silang suportahan ang pilipinas na makamit ang post-pandemic recovery at jointly benefit sa pamamagitan ng “greater economic interactions.”

About The Author