Ang impeksyon sa kuko o sakit na kung tawagin ay Paronychia ay ang pamamaga at pamumula sa bahagi ng kuko.
Nag-uumpisa ito sa pagkakaroon ng maliit na sugat dahil sa pagputol ng kuko, pag-manicure o pedicure, at paghila ng balat na nasa tabi ng kuko.
Kapag ito’y napabayaan, posibleng makapasok ang bacteria sa loob ng balat at magdulot ng impeksyon na magagamot sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Una, maglagay ng maliit na bulak sa pagitan ng kuko at balat kung saan may pamumula o impeksyon.
Pangalawa, patakan ang bulak ng provisone iodine (betadine), isang antiseptic na ginagamit para sa skin disinfection.
at Panghuli, balutan ng band-aid ang apektadong daliri.
Maaari ring magpakonsulta sa doktor kung medyo malaki ang impeksyon upang mabigyan ng tamang gamot para rito.