Mahalaga ang parliamentary relations sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam para sa pagtataguyod ng national security at socio-economic development.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pakikipagpulong kay Vietnamese National Assembly Chairman Voung Dinh Hue.
Kinilala ni Marcos ang importansya ng parliamentary cooperation na nagbibigay ng plataporma para sa makabuluhang diskusyon sa mga polisiya tungo sa mapayapang global community.
Isinulong din ng Pangulo ang pagpapalakas ng iba pang areas of cooperation sa ilalim ng strategic partnership ng dalawang bansa.
Samantala, pinuri rin ni Marcos ang aktibong partisipasyon ng Vietnam sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum na ginanap sa Pilipinas noong Nobyembre.
Umaasa ang Chief Executive na magpapatuloy ang pag-uugnayan ng mga mambabatas ng dalawang bansa kaakibat ng bukas na komunikasyon para sa pagpapalakas ng parliamentary relations. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News