dzme1530.ph

Park Hyung-Sik bibisita sa Pilipinas sa Pebrero 2024

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang South Korean Actor na si Park Hyung-Sik para sa isang Grand Fan Conference.

Ito ang kinumpirma ng P&Studio Entertainment Agency ng aktor.

Gaganapin ang ‘SIKcret Time’ Fan Conference na inorganisa ng MQ Live events group sa pakikipagtulungan ng Tonz entertainment sa February 17, 2024, alas- 7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa organisasyon na mamamahala sa event, mabibili online ang ticket via website ng Ticketnet, o kanilang outlets.

Unang Bumista si Park sa bansa noong 2017 at nasundan ng pangalawang fan meet noong 2019.

Si Park Hyung-sik ay bumida sa ilang sikat na K-dramas tulad ng ‘The Heirs’ (2013), ‘Suits’ (2018), at ‘Our Blooming Youth’ (2023).

—Ulat ni Joana Marie Luna, DZME News

About The Author