Ang mga tainga ang responsable sa pagdadala ng tunog at pagbabalanse ng impormasyon sa utak, kaya’t mahalaga na panatilihin ang kalinisan at kalusugan nito.
Narito ang ilang tips upang mapangalagaan ang ating mga tainga at maiwasan ang ear infection.
Sundin ang 60/60 rule – gumamit ng earphones nang hindi hihigit sa 60% na maximum volume, at hindi hihigit sa 60 minutes sa isang araw. Mahalaga na panatilihin ang volume sa ganitong komportableng lebel, lalo na sa earbud type headphones at wireless earphones, upang maiwasan ang ear pain at noise-induced hearing loss.
Panatilihing tuyo ang mga tainga – kung hindi patutuyuin ng maayos ang tainga pagkatapos maligo o lumangoy, ang excess moisture ay maaring maging sanhi ng bacterial build up na maaring magdulot ng problema sa ear canal.
Linisin ang ear devices – ang earphones, headphones, at iba pang ear gears na ginagamit sa pakikinig ay mahalagang bahagi ng hearing health. Dahil dito, mahalagang regular itong punasan ng malinis na tela na binasa ng alcohol upang maiwasan ang impeksyon.
Iwasang ma-stress – ayon sa mga eksperto, ang stress at anxiety ay may kaugnayan sa temporary at permanent tinnitus o ringing in the ears. Ang mataas na antas ng stress ay maaring magtulak sa iyong katawan na to go into “fight or flight mode.”
Kung may nararamdaman nang problema sa mga tainga, kumonsulta agad sa ear, nose, and throat specialist upang maresetahan ng tamang gamot.