Ang paprika ay kilalang spice na gawa mula sa dinikdik na red bell pepper.
Katumbas ng isang kutsara nito ang 19% ng Vitamin A na kailangan araw-araw ng ating katawan.
Maliban dito, taglay rin ng paprika ang beta carotene, lutein at zeaxanthin na pawang mga antioxidant na maganda para sa ating mata.
Kaya naman ipinapayo ng mga eksperto na isama ang paprika sa mga sangkap sa nilulutong pagkain upang maiwasan din ang pagkakaroon ng katarata, sakit sa puso at kanser.