dzme1530.ph

Papal Envoy, mananatili ng 3-araw sa China para sa peace mission

Kinumpirma ng Vatican na nasa China si Papal Envoy Cardinal Matteo Zuppi simula ngayong Miyerkules hanggang Biyernes bilang bahagi ng diplomatic effort upang makamit ang kapayapaan sa Ukraine.

Una nang bumisita ang kardinal sa Kyiv at Moscow noong Hunyo at bumiyahe rin sa Washington matapos ang isang buwan bilang bahagi ng pagsisikap na maisakatuparan ang peace deal sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa ulat ng Italian media, inaasahang makakausap ni Zuppi ang ilang matataas na lider sa Beijing, kabilang na si Chinese Premier Li Qiang. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author