dzme1530.ph

Paolo Contis, no comment sa isyu hinggil sa hirit na pag-alis ng kaniyang apelyido sa pangalan ng mga anak

Tikom ang bibig ng ngayo’y Eat Bulaga host na si Paolo Contis hinggil sa isyung nais ipatanggal ng kaniyang mga anak kay Lian Paz ang apelyido nito.

Ito’y matapos ihayag ng dating asawa ni Paolo, sa isang post online, ang pagtitiyak na darating din ang panahon na matutupad ang matagal nang request nina Xonia at Xalene na hindi na gamitin ang apelyidong Contis.

Matatandaang Enero ngayong taon ng aminin ng Kapuso actor-comedian sa isang TV interview na hindi siya nagbibigay ng sustento sa mga anak nito kay Lian, pero may savings naman aniya itong itinatabi na kaniyang iaabot sa tamang panahon.

Kahapon, ipinakilala si Paolo bilang isa sa mga pangunahing host ng Eat Bulaga, kung saan koment ng isang netizen, paano mamimigay ng pa-premyo ang hindi nagsusustento!?

About The Author