Inilarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang “repugnant” at “disgraceful” ang umano’y panunuhol para makakuha ng mga pirma para sa Charter change (Chacha).
Sa isang panayam sa social media, sinabi ni Duterte na hindi lamang ito mag-iiwan ng masamang memorya, kundi nakakadiri at nakakahiya rin.
Inamin ng dating Pangulo na hindi siya pabor sa People’s Initiative at kung nagkakabilihan nga talaga ng pirma, ay tigilan na nila ito.
Ilang mambabatas ang nagbunyag na binabayaraan ng P100 ang mga tao kapalit ng kanilang pirma para sa People’s Initiative upang baguhin ang 1987 Constitution.
Binigyang diin ni Duterte na ang bagong konstitusyon na resulta ng People’s Initiative, ay maaring makasira lamang sa bansa at abusuhin ng mga politiko. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera