dzme1530.ph

Panukalang pagbabago sa K to 12 Curriculum, welcome sa isang grupo

Ikinatuwa ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang mga panukalang pagbabago sa K to 12 curriculum na nakapaloob sa draft na inilabas ng Department of Education (DepEd) noong nakaraang buwan.

Ayon sa grupo, welcome sa kanila ang mga iminungkahing pagbabago sa curriculum na bukas para sa komento ng publiko.

Kabilang diyan ang pagrebisa sa K to 12 curriculum upang mapaigting pa ang mga itinuturo kaugnay sa civic at cultural studies, social science at humanities.

Dagdag pa ng TDC, mahalagang maisama sa curriculum ang konsepto ng mabuting pamamahala, karapatang pantao, at integridad upang maihanda ang mga mag-aaral sa mga usaping ito, gayundin ang pagtuturo ng indigenous values, kultura, heographiya, at iba pa. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author