Sesertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law, upang mapayagan na muli ang National Food Authority na makapagbenta ng murang bigas.
Sa ambush interview sa PICC sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na tumataas ang presyo ng bigas dahil sa pagko-kompetensya ng traders at pagpapataasan ng presyo ng pagbili ng palay.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na kung maa-amyendahan ang NFA Charter at RTL, mako-kontrol at magkakaroon ng impluwensya ang gobyerno sa presyuhan ng palay at pagbebenta ng bigas.
Mababatid na sa ilalim ng RTL, pinagbabawalan ang NFA na magbenta ng bigas at nilimitahan lamang ang kanilang mandato sa pamamahala ng buffer stocks.