Tutol ang United Sugar Producers Federation (UNIFED) sa panawagang payagan ang industrial users o manufacturers na direktang mag-angkat ng asukal sa dahilang mako-kompromiso nito ang plano ng pamahalaan na itaas ang duties at palawakin ang tax base para sa sweetened beverages.
Umapela si UNIFED president Manuel Lamata kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na balewalain ang pahayag ni Finance Sec. Benjamin Diokno na naglalarawan sa sugar trade liberalization bilang “reasonable compromise” kapalit ng planong mas mataas na buwis sa matatamis na inumin.
Plano ng Department of Finance na itaas ang beverage tax rate sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa dose pesos kada litro, anuman ang uri ng sweetener na ginamit.
Sa kasalukuyan, alisunod sa TRAIN law, anim na piso kada litro ang excise tax sa mga inumin na ginagamitan ng caloric at non-caloric sweeteners habang 12 pesos per liter na tax sa mga inumin na gumagamit ng high-fructose corn syrup. —sa panulat ni Lea Soriano