dzme1530.ph

Panukalang K + 10 + 2 ni Pampanga Rep. Arroyo, tututukan!

Tiniyak ng House Committee on Basic Education and Culture at Committee on Higher and Technical Education na tututukan ng mababang kapulungan ang panukalang K + 10 + 2 na inihain ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Arroyo balik sa 10-taon ang basic education kung saan pag natapos na ng estudyante ang 4th year high school level ay ituturing na silang graduate.

Habang ang Grade 11 at 12 ay mandatory lamang para sa mga estudyanteng papasok sa kolehiyo, bilang tugon sa kahirapan sa paghahanap ng trabaho na kinakaharap ng mga Senior High School graduates.

Kaugnay nito inihayag ni Sarangani Rep. Christopher Solon ang kaniyang suporta sa panukala ni Arroyo na makapagpo-produce aniya ng globally competitive na mga mag-aaral.

About The Author